Umabot na sa ₱176 ang kabuuang dagdag-presyo sa bawat 11-kilogram na cylinder ng liquefied petroleum gas (LPG), ayon sa Republic Gas Corporation (Regasco).
Batay sa naunang advisory ng kumpanya, ipinatupad na kahapon, April 6, ang huling staggered price adjustment sa kanilang LPG ngayong Abril, kasunod ng paggalaw ng international contract prices.






















