
Sinagot ng Ministry of Foreign Affairs ng China ang inilabas na ulat ng National Security Council na kumpirmadong cyanide ang nakumpiska sa mga Chinese fishermen sa paligid ng Ayungin Shoal simula pa noong nakaraang taon.
Para sa China hindi kapani-paniwala at gumagawa lamang umano ng kwento ang Pilipinas.

Sinimulan na ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang isang motu proprio inquiry sa mga online gaming platform na ginagamit umano sa pang-aabuso at exploitation ng mga kabataan.

Hinihiling ng United People's Initiative sa Korte Suprema na atasan ang Palasyo na magbigay ng full disclosure sa detalye ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa naturang grupo, karapatan ng publiko na malaman ang kalagayan ng Pangulo at upang maiwasan na rin ang paglaganap ng fake news lalo na sa social media.

Naniniwala ang kampo ni Vice President Sara Duterte na mas lalo lang mapagtitibay ang kanilang depensa dahil sa pagtestigo ni Ramil Madriaga.
Ayon sa legal counsel ni VP Sara na si Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., gawa-gawa lang ang mga kwento ni Madriaga.

Dismayado ang isang transport group sa ginawang suspensyon ng excise tax ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bunsod nito, sasama na rin ang grupo sa tatlong araw na nationwide tigil-pasada ng grupong Manibela simula bukas, April 15.