
Patuloy ang operasyon ng Bureau of Fire Protection upang maapula ang sunog sa sanitary landfill sa Navotas City na ilang araw nang naglalagablab.
Isa sa tinitingnang sanhi ng BFP ang spontaneous combustion o kusang pagliyab dulot ng matinding init, habang sinimulan na ring tambakan ng buhangin ang apektadong lugar.

-VP Sara, no show sa House Justice Committee impeachment proceedings; Kredibilidad ng pagharap ni Ramil Madriaga sa pagdinig, patuloy na kinukwestyon ng kampo ng pangalawang Pangulo
-Full disclosure sa medical record ni PBBM, hihilingin sa Korte Suprema
-Cong. Leandro Leviste at Executive Sec. Ralph Recto, may sagutan kaugnay ng VAT cut sa langis at pangunahing bilihin

Marami ang naka-relate sa kwento ng pag-ibig sa pinakabagong edisyon ng Wish Date concert na 'Rewrite' na ginanap sa Mall of Asia Arena noong linggo ng gabi.
Isang kwento ng pag-ibig, panghihinayang at nabuhay na pag-asa upang maitama ang mali ng nakaraan at humaplos sa puso ng mga manonood.

Nasa dalawang libong box ng imported na sigarilyo ang nasabat ng mga awtoridad sa Baliwag, Bulacan.
Labing siyam ang inaresto dahil sa mga nakumpiskang mga kontrabando kaninang umaga.

Isinagawa sa Kampo Crame ang donning of ranks at badge of honor ceremony ng mga nagtapos sa Philippine National Police Academy o PNPA, Silang-Maglaon Class of 2026.
Bilin ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., pagbutihin ang kanilang mga magiging trabaho saan mang unit sila ma-assign.