
Naniniwala ang ilang senador na limitado ang benepisyo ng pagsuspinde ng excise tax sa kerosene at liquefied petroleum gas para sa mga mamimili.
Gayunman, ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mahalaga pa rin itong hakbang upang makatulong sa publiko sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Ipinagpaliban muna ng economic managers ng pamahalaan ang planong suspensyon ng excise tax sa diesel at gasolina.
Ayon sa Department of Finance, mas pinipili ng pamahalaan na magbigay ng direktang tulong sa mga apektado ng mataas na presyo ng langis kaysa agad na alisin ang buwis sa petrolyo.

Isasagawa ng grupong MANIBELA ang 3 araw na transport strike simula bukas, araw ng Miyerkules.
Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police na handa na ang contingency measures upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa gitna ng kilos-protesta.

Epektibo na ang P10 kada litro na diskwento sa petrolyo para sa mga public utility vehicle sa 52 piling gas stations sa Metro Manila.
Inaasahang makatutulong ito sa gastos ng mga tsuper at magbibigay ng dagdag kita sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Naaresto ng Philippine National Police – Highway Patrol Group ang dalawang suspek sa iligal na pagbebenta ng sasakyan.
Ayon kay PNP-HPG Spokesperson Police Lieutenant Nadame Malang, bukod sa iligal na bentahan, alarmado rin ang sasakyang kanilang idini-dispose.