Ipinagpaliban muna ng economic managers ng pamahalaan ang planong suspensyon ng excise tax sa diesel at gasolina.
Ayon sa Department of Finance, mas pinipili ng pamahalaan na magbigay ng direktang tulong sa mga apektado ng mataas na presyo ng langis kaysa agad na alisin ang buwis sa petrolyo.






















