
Inaresto ng pulisya si businessman at dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson kaugnay ng kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanya.
Gayunman, nakapagpiyansa rin si Singson matapos ang kanyang pagkakaaresto.

Nakatakdang magdaos ng mga kilos-protesta ang ilang progresibong grupo sa harap ng Senado kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan.
Kasabay nito, tiniyak ng National Capital Region Police Office na nakahanda ang mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lugar.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa kanyang mensahe, hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na huwag magsawang piliin at ipaglaban ang bansa habang isinasabuhay ang mga aral na iniwan ng kasaysayan.

May tinututukan nang persons of interest ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa pagkasawi ng dalawang estudyante ng Ateneo de Manila University.
Kaugnay nito, hiniling na rin ng ahensya sa Bureau of Immigration ang paglalabas ng lookout bulletin laban sa ilang indibidwal.

Dumating na sa Davao kaninang madaling araw ang labi ni Rene Baterbonia, isa sa mga manlalaro ng Ateneo Blue Eagles na nasawi matapos malunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong June 8.
Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente na ikinasawi rin ng isa pang Ateneo student-athlete.