
Nagtipon ang iba't ibang grupo sa labas ng Senado kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan.
Sa kanilang pagtitipon, nanawagan ang mga ito ng maayos at malinaw na tugon kaugnay ng isyu ng dibisyon sa Senado.
Wala pang itinakdang petsa kung hanggang kailan sila mananatili sa lugar.

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Davao City kaninang umaga.
Kasabay nito, nagbigay ng pahayag ang Pangalawang Pangulo hinggil sa ilang usaping kinahaharap ng bansa, kabilang ang mga batikos sa kasalukuyang administrasyon.

- Paggunita sa ika-128 anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
- Iba't ibang grupo, nakatakdang magsagawa ng kilos-protesta sa labas ng Senado ngayong Araw ng Kalayaan
- Labi ng Ateneo basketball player na si Rene Clert Baterbonia, naiuwi na sa Davao; PNP-CIDG, may tinitingnang persons of interest sa pagkamatay niya at ng kapwa basketbolistang si Divine Adili

Kinansela na ang nakatakdang malawakang airstrike at pambobomba ng Estados Unidos laban sa Iran.
Inanunsyo ito ni US President Donald Trump sa pamamagitan ng isang post sa kanyang social media platform na Truth Social nitong Huwebes.

Nagpatupad ang foreign ministry ng China ng travel ban laban kay Defense Secretary Gilberto Teodoro at sa kanyang pamilya, na nagbabawal sa kanilang pagpasok sa mainland China, Hong Kong, at Macao dahil sa mga pahayag ng kalihim laban sa China.
Gayunman, sinabi ni Teodoro na hindi siya nababahala sa naturang hakbang.