
- Pre-trial conference para sa impeachment trial kay VP Sara Duterte, itutuloy ngayong araw, June 22
- Pormal na negosasyon sa pagitan ng Iran at US, nagsimula na sa Switzerland; Strait of Hormuz, muling isinara ng IRGC dahil sa nagpapatuloy na pag-atake sa Lebanon
- Coach Tab Baldwin, binigyan ng palugit ngayong araw para sumipot sa NBI

Itinigil na ng mga awtoridad sa Crimea ang pagbebenta ng langis sa publiko matapos lumala ang kakulangan sa suplay dahil sa mga pag-atake ng Ukraine sa mga oil facility at supply routes ng Russia.
Kasabay nito, nagbabala ang Ukraine na naghahanda ang Moscow ng panibagong malakihang pag-atake.

Muling isinara ng Iran ang Strait of Hormuz kasunod ng nagpapatuloy na pag-atake ng Israel sa Lebanon sa kabila ng umiiral na tigil-putukan sa pagitan ng Israel Defense Force at grupong Hezbollah.
Tinutulan naman ito ng Estados Unidos at iginiit na nananatiling bukas ang mahalagang ruta.

Nagsimula na ang pormal na negosasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Bürgenstock, Switzerland kung saan personal na dumalo ang mga delegado ng dalawang bansa.
Kasunod ito ng naunang pagpapaliban noong June 19 ng nakatakdang pag-uusap dahil sa muling pagsiklab ng karahasan sa Lebanon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Patuloy na hinahamon ng Philippine Coast Guard ang isang barko ng China Coast Guard na ilang araw nang namamalagi sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas sa kanluran ng Luzon.
Ayon sa PCG, hindi tumutugon ang China Coast Guard vessel 5304 sa mga radio challenge ng mga awtoridad ng Pilipinas.