
Isinusulong ni Sen. Erwin Tulfo ang isang panukalang batas na magpapatupad ng “no work, no pay” sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan na uma-absent nang walang sapat na dahilan.
Sa ilalim ng panukala, sakop ang pangulo, pangalawang pangulo, mga mambabatas, kalihim ng gabinete at iba pang mataas na opisyal ng gobyerno.

Nakauwi na kahapon, June 21 sa Pilipinas ang 21 Pilipino na na-detain sa Russia.
Kabilang ito sa naging resulta ng pag-uusap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit noong nakaraang linggo.

- Bagong bagyo, inaasahang papasok sa PAR sa June 20 o June 21— PAGASA
- Net satisfaction rating ng Marcos administration, bumagsak sa record-low na -13
- ICC, naglabas ng mga alituntunin para sa paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi natuloy ang nakatakdang pag-uusap ng mga kinatawan ng Estados Unidos at Iran sa Switzerland kaugnay ng kasunduang naglalayong tapusin ang sigalot sa Gitnang Silangan.

Pag-aaralan pa ng House prosecution panel kung ano ang magiging hakbang nito kaugnay ng conviction threshold o kinakailangang bilang ng boto para makakuha ng conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, sa ngayon ay nakatutok muna sila sa pre-trial conference.