
Nilinaw ng Department of Education na para lamang sa mga non-teaching staff ipatutupad ang work-from-home setup tuwing araw ng Biyernes.

Iginiit ng isang House committee chairperson na hindi maaaring gawing dahilan ang pambihirang krisis sa ekonomiya para palagpasin o huwag hulihin ang mga lumalabag sa batas trapiko.
Reaksyon niya ito sa panukala ng kaniyang kapwa kongresista na itigil muna ang panghuhuli sa mga traffic violator ngayong mataas ang presyo ng langis.

Nagbabala ang Senate Finance Committee sa posibleng laki ng halagang maaaring mawala kapag nasuspinde o nabawasan na ang ipinapataw na buwis sa mga produktong petrolyo.
Ito ay matapos na i-certify as urgent ng pangulo ang nasabing panukalang batas.

Inaasahang bababa ng hanggang halos limang piso kada litro ang presyo ng produktong petrolyo sa oras na maipasa ang panukalang dagdag-kapangyarihan kay Pangulong Bongbong Marcos na suspindihin ang ipinapataw na excise tax sa langis.

Inaasahan ng Department of Energy ang panibagong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa patuloy na kawalan ng katiyakan sa pandaigdigang merkado ng langis.