
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

- 2 minors na sangkot sa pamamaril sa Tacloban,nasa kustodiya na ng DSWD; Sen. Risa Hontiveros nilinaw na AI-generated ang larawan kasama ang suspek sa Tacloban school shooting
- Pre-trial conference, natapos na; box ng tax record ni VP Sara, nananatiling selyado at 'di namarkahan
- Reklamong qualified human trafficking vs. ex-Cong. Mike Defensor at asawa nito, ihahain ng NBI ngayong araw

Bukod sa Venezuela, nakaranas din ng magkakahiwalay na malalakas na lindol ang California sa USA at ang bansang Japan.

Bumalik na sa pre-war level ang presyo ng langis sa world market halos isang linggo matapos lagdaan ng Estados Unidos at Iran ang Memorandum of Understanding (MOU).
Kasabay nito, unti-unti na ring bumabalik sa normal ang paglalayag ng mga sasakyang-pandagat sa Strait of Hormuz, bagama't nananatili pa rin ang mga hamon sa pagpapatupad ng paunang kasunduan.

Nakatakdang isampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw, June 26, sa Pasig City Prosecutor's Office ang reklamong qualified human trafficking laban sa dating mambabatas na si Mike Defensor at sa asawa nito.
Ayon sa NBI, kaugnay ito ng sinalakay nilang KTV bar sa Pasig City na pagmamay-ari umano ng pamilya Defensor noong Abril, kung saan may mga natuklasang umano'y ilegal na aktibidad.