
Pitong oras na biyahe sa bus ang binabaka ni Presiding Judge Wendell Ramiterre para lamang makalaro at makasuporta sa UNTV Cup Executive Face Off 2026.
Tunghayan ang kwento ng isa sa mga public servant na manlalaro ng koponang Judiciary Magis.

Nalagay sa peligro ang isang babaeng bumbero matapos siyang tagain habang rumeresponde sa sunog sa bayan ng Barcelona, Sorsogon.
Agad namang nahuli ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso.

Pinangangambahang marami ang nasawi sa pag-atake ng Russia sa isang historical building sa Ukraine.
Kasunod ng matinding pag-atake, nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na muling nagre-recruit ang Russia ng mga bagong sundalo, kabilang ang mga foreigner.
Ayon pa sa kanya, libo-libong sundalo mula North Korea ang nakatakdang dumating upang magsanay bilang dagdag sa kanilang pwersa.

Pinalaya ng British government ang 5 indibidwal na inaresto kaugnay ng hinihinalang bomb plot sa US military base sa RAF Fairford nitong Lunes.
Ayon kina US President Donald Trump at Secretary Marco Rubio, may seryosong banta sa seguridad kung hindi naaresto ang mga ito.
Gayunman, sinabi ng UK authorities na walang nakitang pampasabog o anumang materyales sa paggawa nito sa mga sasakyan ng mga suspek.