
Marami umanong bagong ilalahad si dating Senador Antonio Trillanes IV sa pag-upo niya sa witness stand sa impeachment trial bukas.
Kanina, dumalo ang dating senador sa pagdinig upang aniya’y obserbahan ang takbo ng paglilitis.

Kinumpirma ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang malapit na ugnayan ng pamilya Duterte sa negosyanteng si Jaime T. Cruz.
Si Cruz ay sinasabing kapwa stockholder ni Vice President Sara Duterte sa isang kumpanyang idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

- Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, umupo na bilang hostile witness sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte
- Ikalawang mosyon ni Revilla para mag-inhibit si Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda, hindi pinagbigyan
- Tigil-pasada, inihinto ng MANIBELA para sa dayalogo sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board; kilos-protesta naman ng PISTON, tuloy

Itinanggi ni US President Donald Trump na napag-usapan nila ni Chinese President Xi Jinping ang posibilidad na magbenta ang Estados Unidos ng armas sa China.
Salungat ito sa naunang pahayag ni US Ambassador to China David Perdue na tinanong umano ni Trump si Xi kung nais nitong bumili ng US weapons.

Itinaboy ng Philippine Coast Guard ang isang Chinese maritime militia vessel at 24 na maliliit na bangka o sampan na namataang nangingisda sa territorial waters ng Kota Island sa Kalayaan Island Group.