
Direktang inamin sa unang pagkakataon ng Chinese Embassy ang pag-claim ng China sa karagatan sa paligid ng Batanes.
Ginawa ito ng embahada matapos depensahan ang Chinese research vessel na namataan sa Itbayat, Batanes, na ayon sa Philippine Coast Guard ay nagsasagawa ng AIS spoofing.

May nakuha umanong mga armas ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation matapos ang isinagawang raid sa ilang bahay na sinasabing pagmamay-ari ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Kinuwestiyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang naging pahayag ni Davao City Mayor Baste Duterte kaugnay sa business interests ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

May mga bagong detalye umanong ibubunyag si dating Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng Article of Impeachment na Unexplained Wealth laban kay Vice President Sara Duterte.
Kilala ang dating senador bilang kritiko ng pamilya Duterte.

Naglabas na ng desisyon ang Senate Impeachment Court sa request for admission ng prosekusyon kaugnay ng mga bank records na iniharap bilang ebidensiya sa Article 2 o unexplained wealth.
Ayon sa korte, hindi maaaring pilitin si VP Sara Duterte na aminin kung kaniya ang mga bank account.