Back

UNTV News and Rescue

4:11
Politics

Pagtukoy kung may sufficient grounds for impeachment vs. VP Duterte, posibleng matalakay ng Kamara

March 18, 2026 9:50 AM
PST

Posibleng matalakay ng House Justice Committee ngayong araw, March 18, ang pagtukoy kung may sufficient grounds for impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos tumanggi ang complainants na sagutin ang anila’y non-answer ni VP Duterte sa mga reklamong impeachment.

2:43
Politics

Bilang ng mga nakararanas ng gutom, posibleng madagdagan ng 45 million ayon sa World Food Programme

March 18, 2026 9:49 AM
PST

Nagbabala ang United Nations World Food Programme o WFP na posibleng umabot sa record level ang kagutuman sa buong mundo kung magpapatuloy ang digmaan sa Iran hanggang Hunyo ngayong taon.

Ayon sa ahensya, maaaring madagdagan ng nasa 45 milyon ang mga taong makakaranas ng matinding kagutuman dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain, langis, at transportasyon.

1:45
Politics

King Felipe VI, inamin ang mga pang-aabuso ng Spain sa panahon ng kolonyalismo

March 18, 2026 9:49 AM
PST

Inamin ng hari ng Spain na si King Felipe VI ang mga pang-aabuso ng Espanya sa panahon ng kolonyalismo, na isang bihirang pagkilala mula sa monarkiya na matagal nang binabatikos ng mga dati nitong kolonya.

Gayunman, hindi pa rin naglalabas ng pormal na paghingi ng paumanhin ang Spain sa mga nasakop nitong bansa.

1:59
Politics

Trump, nagbabala na kukunin ang Cuba sa gitna ng nararanasang brownout ng bansa

March 18, 2026 9:48 AM
PST

Nagbanta si US President Donald Trump na kukunin niya ang bansang Cuba, na ngayon ay nahaharap sa malalang krisis sa kuryente dahil sa oil embargo ng Estados Unidos.

Kasunod ito ng malawakang brownout sa buong isla na lalong nagpalala sa sitwasyon ng ekonomiya at pamumuhay ng mga mamamayan nito.

1:20
Politics

Pagpupulong nina Trump at Xi, posibleng maantala dahil sa digmaan sa Iran

March 18, 2026 9:47 AM
PST

Ipinahayag ni US President Donald Trump na plano niyang ipagpaliban ng halos isang buwan ang nakatakdang pagbisita sa China para sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.  

Ayon kay Trump, nais niyang manatili sa Estados Unidos upang tutukan ang umiigting na digmaan sa Iran.