
Nanindigan si Senator-Judge Francis "Chiz" Escudero na mananatiling 16 na boto ang kailangan upang mahatulang nagkasala si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Ito ang nilinaw niya sa kaniyang unang pahayag matapos mahalal bilang presiding officer ng Senate Impeachment Court.

Nagsimula kahapon, July 6 ang unang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa opening statement ng lead counsel ng depensa na si Attorney Sheila Sison, iginiit nito na dapat nakabatay sa batas at sa Konstitusyon ang impeachment proceedings, at hindi sa politika.

Alamin ang update sa mino-monitor na Super Typhoon Bavi at ang magiging lagay ng panahon sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong Martes, July 7, mula sa Philippine Weather Bureau PAGASA.

- Isyu kung sino ang mamumuno sa impeachment court, mainit na pinagdebatehan ng mga senator-judges; Senator Francis "Chiz" Escudero, nahalal na presiding officer
- Vice President Sara Duterte, mas piniling paghandaan ang Super Typhoon Bavi kaysa dumalo sa impeachment trial, ayon sa depensa
- Sen. Rodante Marcoleta, inaresto sa kasong plunder; prosekusyon, pinasasagot ng Sandiganbayan sa mosyon niyang ibasura ang kaso

Aabot sa hindi bababa sa ₱26 milyon ang inilaan ng Senado para sa impeachment trial.
Saan napupunta ang pondong ito at bakit umaabot sa milyun-milyon ang gastos? Alamin.