
Inihayag ng legal spokesperson ng House prosecution panel na si Atty. Benjamin Tolosa Jr. na ang kanilang kahilingan na maiharap si Vice President Sara Duterte bilang hostile witness ay hindi lamang para sa isyu ng grave threats kundi maaari ring sumaklaw sa iba pang articles of impeachment.
Binigyang-diin din ng House prosecution panel na ang impeachment trial ay hindi paramihan ng objections kundi patibayan ng ebidensya.

Nilinaw ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi bahagi ng kanilang estratehiya ang sunod-sunod na objection na inihain sa direct examination ng prosekusyon sa nagdaang pagdinig ng impeachment trial.
Ayon sa defense team, kung matutuloy ang pagharap ni Vice President Sara Duterte bilang hostile witness ng prosekusyon, mayroon silang mga legal na remedy na maaaring gamitin.
- NBI agent Calilung, sasalang sa cross-examination ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte; impeachment trial, posibleng lumampas sa 92 trial days
- Posibleng epekto ng Super Typhoon Inday at habagat sa National Capital Region, tinatalakay ng MMDRRMC
- AFP, magtatayo ng space center; military satellites, target mailunsad sa 2028

Kinansela ang nakatakdang pagbasa ng sakdal o arraignment nina Sen. Rodante Marcoleta, Mike Defensor, at Aristotle Viray na nakatakda sana sa Biyernes, July 10.

Kinuwestiyon ng isang grupo sa Korte Suprema ang awtoridad ni Sen. Francis "Chiz" Escudero bilang presiding officer ng Senate impeachment court sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Hiniling din ng mga petitioner sa Korte Suprema na ipatigil ang nagpapatuloy na impeachment trial.