
- Planong pagharap kay Vice Pres. Sara Duterte bilang hostile witness, hindi lang para sa isyu ng grave threats ayon sa prosekusyon; pag-akyat sa Korte Suprema sa usapin ng voting threshold sa impeachment conviction, pinag-aaralan pa
- Sunod-sunod na objections sa direct examination ng prosekusyon, hindi estratehiya ayon sa depensa; muling pagharap ni Vice Pres. Sara Duterte sa Senado, wala pang katiyakan
- Mga ahensya ng pamahalaan, nakaalerto na sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday ayon sa Malacañang

Ligtas na naihatid sa kanilang bahay ng UNTV News and Rescue Team ang isang stroke patient na sumailalim sa maselang head surgery.
Mula sa Cagayan de Oro City hanggang Butuan City, maingat na inalalayan ng team ang pasyente upang matiyak ang ligtas nitong pag-uwi at maiwasan ang anumang komplikasyon.

Balik sa tensyon ang US at Iran matapos ang panibagong pag-atake ng Iran sa 3 tanker sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Iranian Parliament Speaker Bagher Ghalibaf, wala nang patutunguhan ang memorandum of understanding (MOU) ng dalawang bansa, kasunod ng magdamag na palitan ng pag-atake.

Posibleng maibenta na ng Estados Unidos sa Turkey ang F-35 stealth fighter jets kung matutuloy ang plano ni US President Donald Trump na alisin ang umiiral na arms sanctions sa bansa.
Sa pakikipagpulong kay Turkish President Recep Tayyip Erdoğan sa Ankara, sinabi ni Trump na pinag-aaralan niyang bawiin ang sanctions, isang hakbang na ikinababahala ng Israel.

Nagbabala ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa posibleng flash flood o biglaang pagbaha sa 123 lugar sa National Capital Region (NCR) dahil sa pinalalakas na Habagat at epekto ng Bagyong Inday.
Tiniyak naman ng ahensya na nakahanda ang mga lokal na pamahalaan sakaling tumaas ang tubig-baha.