Back

UNTV News and Rescue

3:29
Politics

P85 wage hike, matatagalan pa dahil sa mga nakabinbing legal na usapin – DOLE

September 30, 2026 9:01 PM
PST

Nananatiling nakabinbin ang pagpapatupad ng P85 wage hike sa ilalim ng Wage Order No. 27 sa Metro Manila. Kinumpirma ng Department of Labor and Employment sa budget deliberations sa Senado ngayong araw na may mga legal na usapin pang nakabinbin sa korte.

4:11
Politics

Trump, payag sa nuclear program ng North Korea pero hindi sa Iran

September 30, 2026 8:55 PM
PST

Posibleng may kinalaman ang Chinese Communist Party sa kumakalat na pekeng liham na iniuugnay kay Defense Secretary Gilberto Teodoro. Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, posibleng layon ng nasabing liham na maghasik ng kalituhan at pahinain ang Philippine-U.S. alliance.

3:51
Politics

Amendments review para sa 2027 proposed national budget, posibleng gawin bukas – BARSC

September 30, 2026 8:48 PM
PST

Matapos ang debate at sponsorship sa panukalang pondo ng mga ahensya ng gobyerno sa plenaryo ng Kamara nitong nakaraang linggo, susunod nang susuriin kung alin sa mga hinihiling na amyenda ang isasama sa House version ng General Appropriations Bill (HGAB). Ayon sa isang miyembro ng Budget Amendments Review Sub-committee (BARSc), posibleng bukas isagawa ng kanilang grupo ang pagsusuri.

2:30
Politics

3 petisyon vs. bagong impeachment voting threshold, dinismiss ng Korte Suprema

September 30, 2026 8:43 PM
PST

Hindi kinatigan ng Korte Suprema ang 3 magkakahiwalay na petisyong kumukuwestiyon sa constitutionality ng bagong voting threshold na inaprubahan ng Senado bilang impeachment court kaugnay ng kaso ni Vice President Sara Duterte.

2:34
Politics

Real properties, bank transactions ni VP Sara, sunod na sisilipin sa impeachment trial

September 30, 2026 8:37 PM
PST

Susunod na sisilipin sa impeachment trial ang real properties at bank transactions nina Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Patuloy ngayong araw ang paghahanda ng House prosecution team sa mga ebidensya at testigong ihaharap sa pagpapatuloy ng paglilitis bukas, Huwebes, hanggang Biyernes.

‍