
- Impeachment trial vs VP Sara, ipinagpaliban muna; Ex-Sen. Antonio Trillanes, may pasabog kaugnay ng umano’y unexplained wealth ni VP Sara
-Relasyon kay GenCorp major stockholder Jaime Cruz, kinumpirma ni Mayor Baste; Alkalde, handang imbestigahan ang posibleng iregularidad sa BAC sa Davao
-2027 budget ng DOLE at Office of the President, bubusisiin ng Senado

Nakatakdang ilipat sa Okinawa ang US Typhon Missile System na kasalukuyang nakatalaga sa isang Japanese base sa Kagoshina, Japan.

Itinanggi ng kapatid na babae ni Kim Jong Un ang pagkakasangkot ng North Korea sa mga pagsabog ng land mines na ikinasugat ng tatlong South Korean soldiers sa demilitarized zone.

Tatalakayin ng Senate Finance Committee ngayong araw ang panukalang pondo ng Office of the President at Department of Labor and Employment.

Naghain ng not guilty plea sa Sandiganbayan 5th Division sina dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig at iba pang mga opisyal mula sa Bulacan 1st District Engineering Office.