
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

- Impeachment Court, ipinagpaliban ang desisyon sa subpoena ng bank at tax records ni VP Duterte; Mga testigo sa confidential funds misuse ni VP Sara, ihaharap na sa paglilitis sa susunod na linggo
- Timing ng gagawing imbestigasyon ng NBI sa umano'y anomalya sa 2019 SEA Games, makaaapekto sa integridad ng Impeachment Court
- PBBM at Singaporean PM Wong, nagpulong tungkol sa pagpapalakas ng kalakalan, AI at pamumuhunan

Napilitang suspendihin ng Russia ang paglalayag ng mga sasakyang-pandagat sa Sea of Azov matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng mga Ukrainian drone.
Dahil dito, pansamantalang isinara ang Don-Azov Channel at Kerch Strait, dalawang mahalagang ruta na nagdurugtong sa Sea of Azov at Black Sea.

Palalawakin pa ng Estados Unidos ang mga sanction na ipinapataw nito sa Iran kasunod ng patuloy na paglala ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Kasabay ito ng babala ni US President Donald Trump na posibleng targetin na rin ng Washington ang mga energy facility, power plant, at mga tulay ng Iran kung hindi ito babalik sa negosasyon.

Pinuna ng ilang senator-judges ang timing ng pag-anunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) ng pagsisiyasat sa umano'y iregularidad sa 2019 Southeast Asian Games.
Ayon kay Senator-Judge Alan Peter Cayetano, maaaring maapektuhan nito ang integridad ng Impeachment Court dahil inihayag ang imbestigasyon bago pa tumestigo si NBI Director Melvin Matibag sa nagpapatuloy na impeachment trial.