Palalawakin pa ng Estados Unidos ang mga sanction na ipinapataw nito sa Iran kasunod ng patuloy na paglala ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Kasabay ito ng babala ni US President Donald Trump na posibleng targetin na rin ng Washington ang mga energy facility, power plant, at mga tulay ng Iran kung hindi ito babalik sa negosasyon.






















