
Inaasahang sa susunod na linggo na maglalabas ng desisyon ang Senate impeachment court para sa hiling na ipa-subpoena ang tax at bank records ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Regie Tongol, spokesperson ng Senate impeachment court, maaaring isapubliko ang tax records ni VP Sara basta't dumaan ito sa tamang proseso at may awtorisasyon mula mismo sa Pangulo ng Pilipinas.
- Mga isisiwalat ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag sa impeachment trial, itinuturing na mabigat na testimonya ng prosekusyon
- Pangulong Ferdinand Marcos Jr., puspusan ang paghahanda para sa ikalima niyang State of the Nation Address
- Mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Walang Gutom Program at iba pang low-income earners, may dagdag benepisyo mula sa pamahalaan

Natanggap na ng Office of the Ombudsman ang counter-affidavit ni Sen. Alan Peter Cayetano kaugnay ng reklamong obstruction of justice na inihain laban sa kanya.

Posibleng ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon kaugnay ng isyu sa 2019 Southeast Asian Games.
Ito ay kahit naabsuwelto na ang opisyal sa Office of the Ombudsman sa kaugnay na reklamo.

Isang lalaking nakaranas ng biglaang pagtaas ng presyon at matinding pananakit ng ulo ang agad na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team upang maihatid sa ospital sa Bacolod City at mabigyan ng agarang atensiyong medikal.