Back

UNTV News and Rescue

3:53
Politics

Pakistan, nanawagan sa Iran at Estados Unidos na bumalik sa dayalogo

July 17, 2026 2:29 PM
PST

Hinihikayat ng Pakistan ang Estados Unidos at Iran na bumalik sa negosasyon at itigil ang palitan ng mga pag-atake na lalo lamang nagpapalala sa tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Pakistan, na tumatayong isa sa mga pangunahing mediator sa pagitan ng dalawang bansa, nananatiling ang dayalogo ang tanging daan tungo sa pangmatagalang kapayapaan.

1:34
Politics

Chinese media na inihalintulad ang mga Pilipino sa mga unggoy, kinondena ng DND

July 17, 2026 2:29 PM
PST

Mariing kinondena ng Department of National Defense (DND) ang isang post ng China Daily na umano'y naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy.

Ayon sa ahensiya, ipinapakita nito ang tunay na pagtingin ng Chinese Communist Party sa sambayanang Pilipino.

1:40
Politics

Sen. Padilla at Aplasca, hindi pa sinasagot ang obstruction of justice complaints laban sa kanila

July 17, 2026 2:29 PM
PST

Hindi pa nagsusumite sina Sen. Robin Padilla at dismissed Senate Sergeant-at-Arms Retired Maj. Gen. Mao Aplasca ng kanilang counter-affidavit para sa reklamong obstruction of justice laban sa kanila.

Kaugnay ito sa pagtakas ni Sen. Bato dela Rosa sa Senado upang hindi masilbihan ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

2:57
Politics

NBI Dir. Matibag, naniniwalang walang dapat ikatakot sa banta ng contempt ng impeachment court

July 17, 2026 2:28 PM
PST

Naniniwala si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na wala siyang dapat ikatakot sa posibilidad na siya ay ma-contempt ng Senate impeachment court kasabay ng kaniyang nakatakdang pagsalang bilang testigo ng prosekusyon sa susunod na linggo.

3:16
Politics

Sen. Alan Cayetano, may hamon sa NBI, DOJ, at Malacañang

July 17, 2026 2:28 PM
PST

Hinamon ni Sen. Alan Peter Cayetano ang National Bureau of Investigation, Department of Justice, at ang Malacañang na ituloy ang imbestigasyon sa isyu ng umano'y anomalya sa bidding at pondong ginamit sa 2019 SEA Games.

Samantala, ang minority bloc ng Senado naman ay ipagpapatuloy ang pagsisiyasat sa kontrobersyal na flood control projects.