Inaasahang sa susunod na linggo na maglalabas ng desisyon ang Senate impeachment court para sa hiling na ipa-subpoena ang tax at bank records ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Regie Tongol, spokesperson ng Senate impeachment court, maaaring isapubliko ang tax records ni VP Sara basta't dumaan ito sa tamang proseso at may awtorisasyon mula mismo sa Pangulo ng Pilipinas.






















