
Mabilis na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang rider na nagtamo ng sugat sa bukong-bukong matapos masangkot sa isang motorcycle crash.
Agad itong nadala sa ospital upang mabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon.

Hayagang nangako ng suporta ang North Korea sa Russia sa gitna ng digmaan nito sa Ukraine.
Samantala, muling nanawagan si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa mga kaalyadong bansa na agarang magbigay ng tulong matapos tamaan ang kanilang pagawaan ng armas at maubusan na ng suplay ng air defense.

Nag-utos na ng agresibong pag-atake si US President Donald Trump kasunod ng pagkamatay ng tatlong US soldiers sa Jordan.
Samantala, inihayag ni Iranian Foreign Minister Seyyed Abbas Araghchi ang umano'y panunuhol ng Estados Unidos kapalit ng nuclear deposits ng Iran.

Magtataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, ayon sa Department of Energy (DOE).
Nagbabala rin ang ahensya na posibleng maapektuhan ang singil sa kuryente kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
.png)
Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na hindi sinadyang itapat sa naging word war nila ni Senator Alan Peter Cayetano ang imbestigasyon sa umano'y 11 ghost flood control projects sa Taguig City.
Makikipag-ugnayan din ang NBI sa Office of the Ombudsman kaugnay ng imbestigasyon kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na iniuugnay sa usapin ng 2019 SEA Games.