
Inaprubahan na ng pamahalaan ang 20-billion-peso emergency fund para sa Department of Energy upang tugunan ang krisis sa suplay ng langis.
Ayon sa DBM, layunin nitong mapalakas ang buffer stock habang patuloy ang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Muling nanawagan ang Meralco sa kanilang mga customer na gawin ang ibayong pagtitipid sa konsumo sa kuryente lalo na ngayong panahon ng tag-init.
Ito ay sa gitna na rin ng nararanasang krisis sa supply ng langis sa bansa dahil sa labis na pagtaas ng presyo nito.

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang dapat ipangamba sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency.
Ayon sa pangulo, isa lamang itong hakbang ng pamahalaan upang maging handa sa posibleng epekto ng krisis sa Gitnang Silangan.

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihang pansamantalang suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis.

Naglunsad ang Russia nitong martes ng 948 na drone laban sa Ukraine, ang pinakamalaking pag-atake na naganap buhat nang magsimula ang digmaan.
Nagdulot ito ng matinding pinsala hindi lamang sa ari-arian kundi maging sa buhay ng mga residente ang naganap na pag-atake.