
Naglagay ang pamahalaan ng Spain ng floating barrier sa maritime border ng Ceuta upang pigilan ang mga pagtatangkang iligal na pagpasok ng mga migranteng nagmumula sa Morocco.
Layunin ng hakbang na palakasin ang seguridad sa hangganan at mapigilan ang pagdami ng mga ilegal na pagtawid sa nasabing lungsod.

Wala pang kumpirmasyon kung natuloy ang inaasahang muling pag-uusap ng mga kinatawan ng Iran at Estados Unidos ngayong Martes, batay sa naunang inanunsyo ni US President Donald Trump.
Samantala, nagbabala ang isang dating mataas na opisyal ng US Army sa Trump administration laban sa paggamit ng mga tinawag niyang ‘compromised mediators’ sa pakikipag-usap sa Iran at sa mga kaalyadong bansa.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na wala umanong impormasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kumakalat na balitang naaresto na si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.
Ito ang pahayag ng kalihim sa isang text message ngayong araw.

Ayon sa dating Commission on Audit (COA) state auditor na si Atty. Roderick Wamil, ginamit ang confidential funds ng Department of Education (DepEd) sa maintenance at operating expenses noong panahong pinamumunuan pa ito ni Vice President Sara Duterte.
Si Wamil ay testigo ng prosekusyon sa nagpapatuloy na impeachment trial.
- Pinunang reports sa paggamit ng OVP sa 2023 confidential funds, pirmado ni Vice President Sara Duterte
- Paglilitis sa malversation case ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., ipinagpatuloy ngayong araw
- Pinay tennis player Alex Eala, tinalo ang WTA world No. 3 Jessica Pegula sa 2026 Mubadala DC Open