
Dalawang Iranian boats ang binomba ng United States military sa Strait of Hormuz.
Ayon kay US Central Command spokesperson Tim Hawkins, ang pag-atake ay upang protektahan ang tropa ng US laban sa Iranian forces.

Isinailalim sa preventive suspension ng Department of Labor and Employment ang regional director ng DOLE Central Luzon.
Ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang imbestigasyon sa gumuhong istruktura sa Angeles City.

Kakasuhan na ng Office of the Ombudsman si Senador Jinggoy Estrada.
Kaugnay ito ng pagkakasangkot ng senador sa kontrobersyal na flood control projects.

Naniniwala ang Department of Justice na sapat na ang mga inamin ni Sen. Robinhood Padilla tungkol sa naging pag-alis ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado.

Umismid lang at hindi na pinansin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tanong kaugnay ng umano’y “no election scenario” sa 2028 na pinalulutang ng kaniyang ate na si Senator Imee Marcos.
Ayon sa Malacañang, diversionary tactic lamang ito ng senadora sa gitna ng mga nangyayari ngayon sa Senado.