
Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga eroplano. Pero bakit may ashtray pa rin sa airplane lavatory?
Alamin kung bakit nananatili itong bahagi ng aircraft safety.

Nagsagawa ng medical transport ang UNTV News and Rescue upang maihatid sa ospital ang isang stroke patient mula sa Isla ng Kalinawan sa Binangonan, Rizal.
Sa pamamagitan ng agarang responde, ligtas na naihatid ang pasyente para sa kinakailangang gamutan.

Mula sa makasaysayang pagkapanalo sa Washington, D.C., didiretso ang Pinay tennis ace at WTA Tour champion na si Alex Eala sa National Bank Open.
Makakaharap ni Alex ang American tennis player na si Alycia Parks sa Centre Court ng National Bank Open sa Toronto, Canada. Mapapanood ang laban ngayong gabi, oras sa Pilipinas.

Abala ang mga stealth fighter jets ng Estados Unidos sa pagkakarga ng gasolina mula sa mga Stratotanker ng US Air Force sa Ramon International Airport sa Israel.
Ayon sa mga ulat, indikasyon ito ng kahandaan ng Amerika sa posibleng opensiba, kasabay ng pagbibigay ni US President Donald Trump ng huling pagkakataon sa Iran na makipagkasundo.

Prayoridad ng Department of Health (DOH) ang pag-inspeksyon sa mga umano'y ghost health centers sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Kasama ang binuong Council of Health Experts, layunin ng ahensya na matiyak na maayos na napapakinabangan ng mga komunidad ang mga health center at iba pang proyektong pangkalusugan.