Back

UNTV News and Rescue

2:58
Politics

Paggamit ng alyas o code sa confidential funds, hindi pinapayagan – Heidi Mendoza

August 6, 2026 8:20 PM
PST

Hindi pinapayagan ang paggamit ng alyas o code sa mga dokumentong may kaugnayan sa confidential funds, ayon kay dating Commission on Audit official Heidi Mendoza.

Ayon kay Mendoza, hindi maaaring pairalin ang confidentiality kung isinasantabi ang accountability sa paggamit ng confidential funds.

‍

3:29
Politics

Korte, maaaring maharap sa 'political storm' kung hindi babawiin ang TRO sa wage hike – labor group

August 6, 2026 8:18 PM
PST

Naniniwala ang isang labor group na maaaring maharap sa isang "political storm" ang korte kung hindi nito pagbibigyan ang hiling na bawiin ang temporary restraining order (TRO) sa P85 wage increase sa Metro Manila.

Ayon sa grupo, dumarami ang mga employer na maaaring magsampa rin ng kaparehong petisyon sa ibang hukuman upang pigilan ang implementasyon ng naturang dagdag-sahod.

‍

1:08
Politics

China, nag-anunsyo ng drone export ban laban sa Amerika; 6 US companies, na-blacklist

August 6, 2026 8:13 PM
PST

Nagpatupad ang China ng restriksyon sa pag-export ng drones sa Amerika kasabay ng paglalagay sa blacklist ng 6 na US companies.

Tugon ito ng Beijing sa panibagong trade sanctions ng Washington kaugnay ng umano'y forced labor at mga banta sa national security ng Amerika.

‍

1:18
Politics

Ilang senator-judge na umano'y may pinapanigan, binatikos ng Palasyo

August 6, 2026 8:11 PM
PST

Binatikos ng Malacañang ang ilang senator-judge na umano'y halatang may pinapanigan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, dapat manatiling walang kinikilingan ang mga senator-judge at hindi kumikilos na tila abogado ng alinmang panig.

‍

4:18
Politics

Pagharap ng ex-special disbursing officers ni VP Sara Duterte, kaabang-abang – prosekusyon

August 6, 2026 8:10 PM
PST

Kaabang-abang para sa House prosecution team ang pagharap sa paglilitis ng mga dating special disbursing officers ni Vice President Sara Duterte.

Kabilang sila sa mga susunod na ihaharap ng prosekusyon bilang mga testigo kaugnay ng Article of Impeachment na may kinalaman sa umano'y misuse, misappropriation, at irregular liquidation ng confidential funds.

‍