
Idinetalye ng isang talent manager ang umano'y plano para sa tangkang honey trap at character assassination laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Samantala, nilipat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Martes, Aug. 11, ang pagharap sa kanilang tanggapan nina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Jacinto "Jing" Paras.

Iginiit ng Office of the Ombudsman na si dating Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. ang umano'y "lead link" sa sabwatan kasama ang ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kaya naman, sinabi ng Ombudsman na "mahirap lunukin" ang naging desisyon ng Sandiganbayan na payagan siyang makapagpiyansa.

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na nasa Pilipinas pa rin si Senador Ronald "Bato" dela Rosa.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy nilang mino-monitor ang posibleng kinaroroonan ng senador.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, welcome kung tatakbong mayor ng Davao City ang dating PNP chief at ngayo'y MMDA General Manager Nicolas Torre. Ito ay kung maghahain siya ng certificate of candidacy (COC) para sa pagkaalkalde ng lungsod.

- Paggamit ng confidential funds, hindi ligtas sa disclosure o pagsisiwalat ayon sa state auditor at prosecution witness na si Atty. Roderick Wamil
- Paggamit ng alyas o ‘code name’ sa confidential funds, hindi pinapayagan – dating COA commissioner
- Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, hindi tumugon sa patawag ng NBI kaugnay ng honey trap plot