
Patuloy na nangunguna ang pangalan ni Vice President Sara Duterte sa napipisil na maging susunod na pangulo ng bansa batay sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.
Habang napipisil naman ng publiko sa pagka-bise presidente si Senator Erwin Tulfo.

Tinawag na “trabahong tamad” ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang umano’y gagawin ng National Bureau of Investigation na pagpapa-subpoena kay Nancy dela Rosa, ang asawa ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Samantala, makikipag-usap naman si NBI Director Melvin Matibag kay Senator Lacson para linawin ang naturang hakbang.

Desidido ang Senate majority bloc na isulong hanggang maaprubahan ang mosyon na baguhin ang Senate rules kaugnay ng partisipasyon sa mga session.
Ngunit, agad itinanggi nila na may kinalaman ito sa napipintong pagsisimula ng impeachment trial ng Pangalawang Pangulo.

Malakihang rollback ang inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes, June 2.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy na ang pangunahing dahilan ng rollback ay bunsod ng deal sa pagitan ng US at Iran.
.jpg)
- Arrest warrant vs Sen. Jinggoy Estrada at Ex-DPWH Sec. Manny Bonoan, hindi pa nailalabas; NBI, handa sa pag-aresto kay Sen. Jinggoy Estrada
- Panukalang remote participation sa impeachment trial, haharangin ng House prosecutor
- WEATHER UPDATE: Bagyong Domeng, lalo pang lumakas ayon sa PAGASA; Opisyal na pagpasok ng habagat season, idineklara na ng PAGASA