Sumasailalim sa cross-examination ng defense counsel ni Vice President Sara Duterte si Xylene Mae Del Campo, state auditor ng Commission on Audit-Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO).
Nagkaroon naman ng bahagyang tensyon sa pagdinig nang tutulan ng prosekusyon ang paggamit ng documentary evidence ng depensa na hindi umano tinukoy ng testigo bago ang cross-examination.





















