
Nagkasagutan sina Senators Raffy Tulfo at Pia Cayetano bago matapos ang sesyon sa Senado kahapon, August 11.
Nag-ugat ito sa umano’y tila pangho-hostage ni Senator Alan Peter Cayetano sa komiteng pinamumunuan ni Sen. Tulfo.

Muling nag-ikot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Sa pagkakataong ito, ininspeksiyon ng Pangulo ang operasyon ng pagkolekta at pagtanggal ng basura sa Diokno Pumping Station sa Pasay City at sa Baclaran River.

Dapat mismong si Vice President Sara Duterte ang magpaliwanag sa umano’y direktiba nitong i-release sa non-special disbursing officers (non-SDOs) ang confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Samantala, hinamon ng ilang miyembro ng House prosecution panel si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na pangalanan ang mga sangkot sa alegasyon ng katiwalian.

Posibleng umabot sa P1.7 trillion ang uutangin ng Pilipinas sa 2027 upang pondohan ang ilang proyekto ng gobyerno sa susunod na taon.
Samantala, ayon sa Department of Budget and Management (DBM), mahigit P10 bilyon ang nakalaan para sa confidential at intelligence funds sa panukalang 2027 budget.Mas mababa ito kumpara sa pondong inilaan ngayong 2026.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/