Back

UNTV News and Rescue

4:25
Politics

DBM, itinangging may alam sa budget insertions; pagbabago sa NEP, hawak na ng Kongreso

December 15, 2025 7:43 PM
PST

Humarap ngayong araw sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang ilang opisyal ng Department of Budget and Management.

Bahagi pa rin ito ng kasalukuyang imbestigasyon ng komisyon kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects.

‍

4:16
Politics

Umano’y ‘pork allocations,’ dahilan ng ‘di pagkakasundo sa Bicam – Rep. Tinio

December 15, 2025 7:43 PM
PST

Ayaw ni Surigao del Sur 1st District Rep. Romeo Momo na madawit sa mga alegasyon laban sa kanya ang Bicameral Conference Committee (Bicam) para sa 2026 national budget.

Ito ang dahilan kaya nagbitiw siya bilang isa sa miyembro ng House contingent.

Naniniwala naman si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na ang umano’y pork allocations ang dahilan ng hindi pagkakasundo sa Bicam.

‍

2:19
Health & Lifestyle

Rider na nagtamo ng hiwa sa paa matapos mabangga, tinulungan ng UNTV News and Rescue

December 15, 2025 7:42 PM
PST

Inasistihan ng UNTV News and Rescue ang isang motorcycle rider matapos mabangga sa isa pang rider sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa biktima, tatawag sana siya sa mga awtoridad dahil sa nakita niyang isa pang aksidente, ngunit hindi niya inaasahan na siya rin ay rerespondehan.

‍

4:57
Politics

Pinoy fisherfolks, hinikayat na huwag matakot mangisda sa West Philippine Sea

December 15, 2025 7:42 PM
PST

Hinikayat ng National Maritime Council ang mga kababayang mangingisda na huwag matakot pumalaot sa West Philippine Sea sa kabila ng pinakabagong harassment ng China laban sa mga mangingisda nitong Biyernes.

Ayon sa isang eksperto, dapat ipakita ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy na kaya nilang protektahan ang mga mangingisda na pumapalaot sa WPS.

‍

2:44
Crime & Investigation

Paggamit sa U.N. anti-corruption treaty para hulihin si Zaldy Co, isa sa maaaring pag-aralan – DFA

December 15, 2025 7:42 PM
PST

Posible ang ipinapanukala ni Senator Panfilo Lacson na gamitin ng gobyerno ng Pilipinas ang United Nations Convention Against Corruption (UNCAC) upang mahuli at maibalik sa Pilipinas si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa ngayon ay wala pang aktibong pakikipag-ugnayan ang Department of Justice sa U.N.

‍