Ayaw ni Surigao del Sur 1st District Rep. Romeo Momo na madawit sa mga alegasyon laban sa kanya ang Bicameral Conference Committee (Bicam) para sa 2026 national budget.
Ito ang dahilan kaya nagbitiw siya bilang isa sa miyembro ng House contingent.
Naniniwala naman si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na ang umano’y pork allocations ang dahilan ng hindi pagkakasundo sa Bicam.






















