Posible ang ipinapanukala ni Senator Panfilo Lacson na gamitin ng gobyerno ng Pilipinas ang United Nations Convention Against Corruption (UNCAC) upang mahuli at maibalik sa Pilipinas si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa ngayon ay wala pang aktibong pakikipag-ugnayan ang Department of Justice sa U.N.






















