
Ipinagpapatuloy ngayong araw ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang bicameral meeting para sa proposed 2026 national budget.
Sa gitna ng mga isyu, ilang senador ang nagpahayag na mas pipiliin nila ang reenacted budget.

Tinawag na intriga ng isang House bicameral conference committee o bicam conferee ang ulat na may banta umano sa House leadership sa gitna ng mga isyu kaugnay ng 2026 national budget.
Nauna rito, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na may nakuha umano siyang impormasyon na nahaharap sa banta ang House leadership.

Humingi na ng paumanhin si Secretary Vince Dizon kaugnay ng mga isinumite nitong datos para sa budget ng Department of Public Works and Highways.
Ayon naman kay Senate Finance Committee Chair Sherwin Gatchalian, pinag-aaralan na nila ang bagong datos na isinumite ng kagawaran.

Bina-validate na ng Philippine National Police ang impormasyon na nagsanay sa ISIS training hotspot sa Pilipinas ang mga salarin sa pamamaril sa Bondi Beach sa Sydney, Australia.
Tiniyak naman ng PNP na handa sila sa anumang insidente kasunod ng pamamaril ng suspek kung saan 15 tao ang namatay.

- Dalawang kapulungan ng Kongreso, tiwalang mararatipikahan ang 2026 national budget sa Dec. 22
- Hiling ni DPWH Sec. Vince Dizon na ibalik ang natapyas na pondo ng ahensya, suportado ng Palasyo
- Harassment ng China sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea, kinondena