
Nagsauli ng pera ngayong hapon sa Department of Justice (DOJ) ang dating regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa NCR na si Engineer Gerard Opulencia, na nagkakahalaga ng ₱40-M.
Ayon sa DOJ, inisyal pa lamang ito sa kabuoang inaasahang isasauli ni Opulencia sa gobyerno.

Nagpatupad na ng mandatory evacuation sa mga komunidad na malapit sa pinagtatalunang border ng Thailand at Cambodia.
Tiniyak ng Embahada ng Pilipinas sa Thailand na nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino at walang nasaktan sa gitna ng labanan.

Salungat sa logic at common sense.
Ito ang buwelta ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa bintang ng China na organisado at may planong manggulo sa Sabina Shoal ang mga mangingisdang Pilipino.
Ilang raliyista naman ang nagprotesta sa harap ng Chinese Embassy upang kondenahin ang insidente sa West Philippine Sea kung saan tatlong mangingisdang Pilipino ang nasugatan.

Lumilitaw sa pinakabagong imbestigasyon ng mga awtoridad sa Australia na posibleng may kaugnayan ang teroristang grupong ISIS sa madugong pamamaril sa Bondi Beach nitong weekend.
Ayon sa ulat, nakarekober sa gamit ng mga suspek ang ilang kagamitan na direktang nagkokonekta sa kanila sa extremist group.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs na ilabas na ang mga natenggang balikbayan boxes.
Ito ang inanunsyo ng Pangulo nang inspeksyunin niya ang mga bagong pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3.