Salungat sa logic at common sense.
Ito ang buwelta ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa bintang ng China na organisado at may planong manggulo sa Sabina Shoal ang mga mangingisdang Pilipino.
Ilang raliyista naman ang nagprotesta sa harap ng Chinese Embassy upang kondenahin ang insidente sa West Philippine Sea kung saan tatlong mangingisdang Pilipino ang nasugatan.






















