
Tiniyak ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon na hindi na band-aid solution ang gagawin sa Sunog Apog pumping station sa Tondo, Manila.
Ayon kay Sec. Dizon, nakipagtulungan na sila sa Metropolitan Manila Development Authority kasama ang lokal na pamahalaan ng Maynila at private sector upang mapabilis na maisaayos ang pumping station na hindi napakinabangan sa loob ng halos walong taon.

Nais paimbestigahan ng kampo ni Ramil Madriaga sa Ombudsman ang mga alegasyong nilalaman ng sinumpaang salaysay nito laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa affidavit ni Madriaga, dati umano siyang security aid ni VP Sara noong mayor pa ito ng Davao City at nagtrabaho rin bilang intel agent ng mga Duterte.

Walang nangyayaring pagbabanta sa liderato ng Kamara sa gitna ng mga isyung kinakaharap sa 2026 national budget.
Yan ang sagot ni Paranaque City 2nd District Rep. Brian Raymund Yamsuan nang tanungin sa pinakahuling pahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.

Nagsauli kahapon ng P40 million sa Department of Justice o DOJ si dating Department of Public Works and Highways National Capital Region Director Gerard Opulencia.
Ayon sa DOJ, inisyal o partial pa lamang ito ng ipinangako niyang kabuuang halaga na ibabalik sa pamahalaan.

Direktang sumulat si Sec. Vince Dizon kay Senate Committee on Finance Chairperson Sherwin Gatchalian upang pormal na humingi ng paumanhin sa kulang na mga datos na isinumite para sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways.
Partikular ito sa detalye ng mga proyektong natuklasan ng Senado na overpriced o sobra ang presyo ng mga materyales.