Nagsauli kahapon ng P40 million sa Department of Justice o DOJ si dating Department of Public Works and Highways National Capital Region Director Gerard Opulencia.
Ayon sa DOJ, inisyal o partial pa lamang ito ng ipinangako niyang kabuuang halaga na ibabalik sa pamahalaan.






















