
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong star-ranked officers ng Philippine National Police.
Nagbigay rin ng mensahe ang pangulo sa promoted generals ng PNP lalo na ngayong holiday season.

Sa ika-apat na sunod na pagkakataon sa Southeast Asian Games, nasungkit muli ng Olympian na si EJ Obiena ang gold medal matapos magwagi sa men's pole vault category kahapon.

Pinagsusumite ng dagdag na komento ng Appeals Chamber ng International Criminal Court ang Office of the Prosecutor at Office of the Public Counsel for Victims o OPCV.
Sa anim na pahinang dokumento na inilabas ng ICC kahapon, ang hinihingi ng korte ay may kaugnayan sa desisyon nito sa pagkwestyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hurisdiksyon ng ICC.

Ipinagpaliban ng Bicameral Conference Committee ang pag-apruba ng budget para sa Department of Public Works and Highways.
Pansamantala, inaprubahan naman sa bicameral meeting ang budget ng iba pang ahensya.

-Alegasyon ni Madriaga vs. VP Sara Duterte, nais paimbestigahan sa Ombudsman
-Bintang ng China na may planong manggulo ang Pilipinas sa Sabina Shoal, taliwas sa logic – Tarriela
-PBBM, ipinagmalaki ang mga bagong pasilidad sa NAIA Terminal 3; mabilis na usad ng pila sa immigration, inaasahan dahil sa bagong e-gates