
Kumpiyansa pa rin ang Malacañang na maipapasa ng Kongreso ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
Ito'y sa kabila ng deadlock ng Bicameral Conference Committee dahil sa pondo ng Department of Public Works ang Highways o DPWH.

Sa unang pagkakataon magkatuwang ang Department of Justice o DOJ, Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Department of Transportation o DOTr.
Ito ay upang masugpo ang mga iligal na mga pampublikong transportasyon na walang kaukulang prangkisa para sa kanilang operasyon.

Inilunsad ng Land Transportation Office o LTO ang mobile command center na ide-deploy sa papalapit na holiday exodus.
Magsisilbi anila itong extension ng kanilang central office na maaaring lapitan ng mga motorista sakaling magkaroon ng problema sa kanilang pagbiyahe.

Target nang simulan sa susunod na linggo ang nahintong plano sa rehabilitasyon ng EDSA ngayong taon.
Ito ang inanunsyo ngayong araw ng Department of Public Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority.

Inalis na ng pamahalaan ang bayarin at buwis sa mahigit isandaang unclaimed balikbayan boxes na ipinadala ng mga Overseas Filipino Workers sa kanilang pamilya.