Pinagsusumite ng dagdag na komento ng Appeals Chamber ng International Criminal Court ang Office of the Prosecutor at Office of the Public Counsel for Victims o OPCV.
Sa anim na pahinang dokumento na inilabas ng ICC kahapon, ang hinihingi ng korte ay may kaugnayan sa desisyon nito sa pagkwestyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hurisdiksyon ng ICC.






















