
Sunod-sunod na historic wins ang naitala ng mga Pilipinong atleta sa ginaganap na 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.
Pinangunahan nina tennis star Alex Eala at Filipino pole vaulter EJ Obiena ang Team Philippines sa pagkuha ng gintong medalya para sa bansa.

Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbibigay ng P5,000 Productivity Enhancement Incentive para sa mga kwalipikadong kawani ng gobyerno para sa fiscal year 2025.
Ayon sa DBM, maaaring ilabas ang insentibo simula December 15 alinsunod sa umiiral na Budget Circular at Performance-Based Incentive System ng pamahalaan.

Bumisita umano si Vice President Sara Duterte kay Ramil Madriaga sa kulungan nito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Annex 2 sa Taguig City.
Sinasabing nag-alok ito ng tulong sa kanyang kaso na tinanggihan umano ni Madriaga.

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tuloy-tuloy ang repormang ginagawa sa ahensya.
Ayon sa DPWH, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin ang kagawaran matapos madiskubre ang mga anomalya sa flood control projects.

Nanawagan ang ilang opisyal sa House Minority Bloc na isapubliko ang transcripts at reports ng ginawang pagpupulong ng Bicameral Conference Committee para sa 2026 national budget.
Ito ay kasabay ng napipintong pagbabago sa timeline ng budget process.