Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tuloy-tuloy ang repormang ginagawa sa ahensya.
Ayon sa DPWH, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin ang kagawaran matapos madiskubre ang mga anomalya sa flood control projects.






















