
Posibleng ipatupad nang ilang araw ang reenacted budget sa Enero 2026. Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto sa gitna ng pagpapasa ng Kongreso ng proposed 2026 national budget.
Binigyang-diin naman ng ilang senador na hindi nila papayagan ang blind ratification ng panukalang pondo.

Pormal nang pinaiimbestigahan sa Kamara ang biglaang pagkamatay ni dating Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral.
Pinuna naman ng ilang kongresista ang mabagal na aksyon ng ilang ahensya ng pamahalaan sa paghawak ng mga dokumento at ari-arian ni Cabral, na itinuturing na isa sa mga pangunahing personalidad na iniimbestigahan kaugnay ng flood control corruption scandal.

Mahigit isang linggo bago ang pagpasok ng bagong taon, nagsagawa ng inspeksiyon ang Philippine National Police at provincial government ng Bulacan sa mga tindahan ng paputok sa bayan ng Bocaue.

- SILG Jonvic Remulla: Mga espekulasyon sa pagkamatay ni Cabral, patuloy na bina-validate
- Kaugnayan kay Ramil Madriaga, mariing itinanggi ni VP Sara
- ES Ralph Recto at ex-Philhealth Pres. Emmanuel Ledesma, inireklamo sa Ombudsman

Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na peke o walang katotohanan ang kumakalat na post sa social media hinggil sa umano'y pamamahagi ng bonus ng ahensya ngayong holiday season para sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.