Pormal nang pinaiimbestigahan sa Kamara ang biglaang pagkamatay ni dating Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral.
Pinuna naman ng ilang kongresista ang mabagal na aksyon ng ilang ahensya ng pamahalaan sa paghawak ng mga dokumento at ari-arian ni Cabral, na itinuturing na isa sa mga pangunahing personalidad na iniimbestigahan kaugnay ng flood control corruption scandal.






















